basket na sinusunong, malukong, at may bigkis na pampatibay
mga (ma•ngá)
:
makabagong an-yo ng mangá; ginagamit sa anumang dalawa o mahigit pang bagay
á•wit
1:
komposisyong inaawit; anyo ng panitikang may musika
2:
uri ng mahabàng tulang pasalaysay na lumaganap noong panahon ng Espanyol, ibinubukod sa korido dahil sa sukat na lalabindalawahin
3:
awiting-bayan na binubuo ng dalawang saknong na may dalawang taludtod, karaniwang kinakanta ng mga mandaragat at inihihimig sa paggaod
4:
paghingi ng isang bagay
Mga Hari (ma•ngá ha•rì)
:
sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat na naglalamán ng kasaysayan ng mga hari ng Israel at Judah
Mga Taga-Korinto (ma•ngá ta•gá-ko•rín•to)
:
sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat sa Bagong Tipan, at sinulat ni Pablo para sa mga taga-Korinto
Mga Taga-Kolosas (ma•ngá ta•gá-ko•ló•sas)
:
sa Bibliya, aklat na sinulat ni Pablo para sa mga taga-Kolosas
Mga Kronika (ma•ngá kro•ní•ka)
:
sa Bib-liya, alinman sa dalawang aklat sa Lumang Tipan, at nagtatalâ ng kasaysayan ng Israel at Judah
Mga Hukom (ma•ngá hu•kóm)
:
sa Bibliya, aklat na naglalaman ng kasaysayan ng Israel hábang nása ilalim ito ng pamumunò ng mga hukom
Á•wit ni So•lo•món
:
aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon
Mga Gabíng Arabe
:
tanyag na kali-punan ng mga sinaunang kuwento ng kababalaghan at pakikipagsa-palaran na isinalaysay diumano ng isang babae sa loob ng maraming gabi upang aliwin ang isang ma-bagsik na sultan
A•raw ng mga Pú•so
1:
araw ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. Valentine, ang patron ng mga magkasintahan, na ginaganap tuwing 14 Pebrero
2:
araw ng mga magkasintahan
A•raw ng mga Pa•táy
:
pambansang paggunita ng mga Kristiyano sa mga yumao at opisyal na ginagawâ tuwing 1 Nobyembre sa pamamagitan ng misa, pagdalaw at pagbabantay sa sementeryo, pagtitirik ng kandila, at pag-aalay ng bulaklak sa mga puntod
A•raw ng mga Ba•yá•ni
:
pambansang paggunita sa mga namatay sa Rebolusyong Filipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginaganap tuwing hulíng araw ng Agosto
regular at peryodikong pagkakaa-yos ng mga atom, ion, o molecule sa isang solidong kristalina.